Taong 1910 ng itayo ang kapilya .Ito ang lumang kapilya ng Orani IEMELIF Church na pinabayaan ng maraming taon . Ito ay pinagamit sa ibang sekta ng relihiyon ngunit hindi inalagaan.Ginamit nila ang kapilya para maging paaralan ng mga batang Nursery at Kinder. Pinagkakitaan ng marami sa sariling kapakinabangan. Ginamit rin ito ng taong ini-akalang aalagaan ang kapilya ngunit ginawang kulungan ng baboy ang loob nito. Marahil ito na ang pinakasukdulang paglapastangan sa karangalan at kabanalan ng kapilya.
Taong 2012 - Ang Carbonero IEMELIF ay nag-umpisa kina Pred. Eduardo Q. Roman at Kptd. Nabor Delos Santos. Nasaksihan nila ang kalunos-lunos na kalagayan ng kapilya , na pinaghirapang itayo ng mga kapatiran. Nakita nila na maraming bote ng alak sa gilid ng kapilya na tila ginamit itong umpukan ng mga manginginom. Marami ring upos na sigarilyo at nagkalat na basura sa kapaligiran. Ang Casa Pastoral na dating bahay ng mga manggagawa at sentro ng pag-aaral ng Salita ng Diyos ay naging tapunan ng basura at tila ba guguho sa kalumaan dahil sa kapabayaan.
Ang mangunguna at mamahala ay sina Pred. Eduardo Roman at si Pred .Exequeil Roman. Si Joy Eugenio ang ingat-yaman; si Imelda Ramos ang Kalihim at sa mga bata; si kptd. Lorna Loyola ang sa Programa at Musika; si Kevin Ramos ang sa Kabataan; si Dr. Carina Roman ang Tagasuri.
Ang ilang pamunuan ( Pred. Serafin Q. Roman, Pred. Eduardo Q. Roman, Teresita Roman, Imelda Ramos, Mar Loyola, Lorna Loyola, Edna Roman) ay agad na nagtungo sa Beulah Land upang kausapin ang Obispo Nathaniel Lazaro upang ipagbigay alam ang kalagayan ng Carbonero IEMELIF. Nagkaroon ng pag-uusap tungkol dito ngunit bigo ang mga kapatiran na makamtan agad ang pagiging lehitimong IEMELIF . Nagpasya ang Obispo na pag-aaralan pang mabuti ang magiging kapasyahan hingil dito.
Mayo 2012, idinaos ang unang pagsamba sa kapilya sa pangunguna ni DS. Josef Calara. Ito ay araw ng sabado. Nag-umpisa sa bilang na dalawampu’t isang kaanib. Nagpatuloy ang gawain sa kapilya. Nag-umpisang magturo ng mga bata, magmisyon sa paligid nito; unti-unting nagkaroon ng mga gamit sa kapilya. Marami ang nagsasabi na hindi tatagal ang Iglesia at ito ay magsasara. Hinihingkayat din ng maraming sekta na umalis na sa kalupunan ng IEMELIF ang mga kapatiran ngunit nanindigan na mananatili ito sa IEMELIF.
Mayo 2013 , ang unang taon ng Carbonero IEMELIF na puno ng sigla at nagpapatuloy sa pagpupuri sa nag iisang Diyos kasama ang pamilya ni Naomi Martin, ang pamilya nina Grace Felix at ilang pamilya na bagong dagdag sa mga kaanib. Nagpatuloy ang mga gawain sa Iglesia. Unti-unting nadadagdagan ang bilang. Sina Pastor Dante Alejandrino, Pastor Virgie Magnaye at Pastor William Suarez ang mga manggagawang patuloy na tumutulong sa Iglesia sa pagpapalago ng pananampalataya at gabay sa mga myembro kasama ang mga predikador na nagsisilbi ring mangagagawa sa loob ng Iglesia. Sa patuloy na paglakad ng oras at panahon, nagpapalakasan sa buhay espirituwal ang bawat kaanib.
Pebrero 2015, tumugon si Secretary Heneral Abiog na maging lehitimong Iglesia ng IEMELIF ang Carbonero ngunit ito ay mananatiling misyon point. Ito ay pinaliwanag mabuti ni DS Marcos Guinto sa mga kapatiran.

March 2016, nag-umpisang manungkulan ang mga manggagawa sa Iglesia. Naging masigasig ang lahat. Mabilis na pinalaganap ang salita ng Diyos sa mga tao. Nagpatuloy ang mga gawain sa loob at labas ng Iglesia.
May 2016, ipinagdiwang ang ikatlong anibersaryo ng Carbonero IEMELIF. Tatlung-taon na pagsasama-sama sa pagsamba , pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.
Nobyembre 2016, ginanap ang malakihang pasasalamat ng mga kapatiran dahil sa masagang pagpapala ng Diyos .

Nagpapatuloy, at umaasa na magiging isang ganap na kongregasyon ang Carbonero IEMELIF Church sa takdang panahon
Ipagpapatuloy...
We Reach, We Care and We Teach. To God be the Glory.
No comments:
Post a Comment